
#TarasaBoracay!
Malapit na naman ang Tag-araw! May plano ka na ba kung saan ka gagala? Handa na ba ang beach body mo? Kung ano man ang balak mo ngayong tag-araw dagdagan pa natin yan dito sa #TravelPaMore!
Kada taon, ang pilipinas ay dinarayo ng milyon-milyong turista dahil sa magagandang tanawing hatid ng pilipinas. Ika nga It’s more fun in the philippines.
Travel Fact: Ang motto na “It’s more fun in the Philippines” ay ginawa ng Department of Tourism na sadyang nakatulong upang palakasin ang turismo ng ating bansa. Mas lalong nakilala ng mga banyaga ang mga lugar na puntahan talaga sa ating bansa.
Kumpletuhin ang iyong bakasyon sa magagandang destinasyon tanawin dito sa Pilipinas.
5. Tagaytay

Tagaytay: The famous Taal Lake
Kung lamig at adventure lang ang hanap mo Tagaytay ang bagay sa iyo!
Dahil sa kalapitan nito sa mga probinsya lalo na sa maynila naging isang sikat na lugar ito sa Pilipinas.
Dahil nga sa daming turistang dumadating sa Tagaytay nagbigay daan ito sa mga entrepreneur upang magtayo ng mga Hotels and Accomodation na may fun activities na hain para sa mga dumarayo.
Sikat na palatandaan ang Taal Lake at lamig ng klima sa Tagaytay na nakakapagpaala sa lugar.
Sikat na aktibidad sa Tagaytay ang Horse back riding, zipline, picnic area at magagandang tanawin dito na puwede niyong kuhanan ng litrato.
“After my Graduation. Pinlano naming magbabarkada na pumunta sa Tagaytay and it’s worth it! Sobrang ganda ng ambiance lalo na ang famous Taal Lake!” – Diane Escueta

4.La Union

#LaUnion
Ang La Union ay matatagpuan sa Cordillera patungong West Philippine Sea, nasa anim hanggang pitong oras na biyahe lamang ito mula sa Kamaynilaan at may maayos nang kalsadang madadaanan.
Ang La Union ay sikat bilang The Surfing Capital of the Philippines ng Northern Luzon. Sa lahat ng Surfing spot ang La union ang pinakamadaling puntahan kung ikaw ay magmumula sa Maynila. Magandang pumunta sa La Union sa buwan ng Oktubre hanggang Marso, kung kailan malalaki ang alon.
Kung mahilig ka sa adventure meron din ang La Union niyan. Maaari mong subukan ang iba’t ibang aktibidad sa La Union katulad ng Trekking, kayak, snorkel at maaari mo ding tikman ang masasarap na delicacies sa La Union!
“La Union is among the many spots in the country that local homegrown fruit drink brand Locally wants Filipinos to explore, discover and be re-acquainted with the #TravelWithLocally campaign. Visit the Locally Facebook Page for details. – Rappler.com”

3.Puerto Galera

#PuertoGalerathebest!
Kung galing kang Maynila makakarating ka na sa Puerto Galera ng 3 oras.
Ang Puerto Galera ay isa sa mga pangunahing turismo sa Oriental Mindoro. Dinarayo rito ang malinaw na dagat at puting buhangin.
Ang Puerto Galera ay buhay na buhay din tuwing gabi katulad ng sa ibang dagat. Maganda rin sa Puerto Galera ang mga rock formation sa tabi nito.
Hindi rin magpapahuli ang Puerto Galera sa mga Water Activities nito. Pero kung gusto mo naman sulitin ang paggala mo sa Puerto Galera subukan na ang Extreme Sports Philippines Puerto Galera at maaari mo ring puntahan ang Tammaraw falls na bagay na bagay sa mga mahihilig kumuha ng magagandang litrato ng mga tanawin.
“My first time in Puerto Galera didn’t disappoint me. Though it was just a quick one, I really had fun. I enjoyed spending a weekend on this famed beach site. Truly, our short visit was enough to ease the summer heat and satisfy my longing of visiting this famous summer destination.- Jr Patinio”

2.Sagada

#PuntahannatinangSagada
Sawa ka na ba sa mga beaches? Puwes pumunta ka sa Sagada.
Sobrang raming pwedeng puntahan sa Sagada na hindi mo ineexpect na iyong mararamdaman!
Pwedeng – pwede maglakad sa Echo Valley na kahit sa iyong munting bulong ay mag e-echo na agad ito! Mahabang lakarin ito pero sulit naman ang mga tanawin.
Pinaka pinupuntahan din rito ang mga Hanging coffins. Magpatuloy ka lang sa pag trekking at makikita mo ang isang kuweba na may masaklap na nakaraan pero ang mga rock formations dito ay sobrang nakakamangha.
Sa pinaka dulong iyong trekking makikita mo ang Bokong Falls na may dalawang rumaragasang tubig.
Sa umaga naman sa Kiltepan, maaari mong masaksihan ang magandang eksena ng hamog.
“They say it’s the journey that counts. What a beautiful place – Jeremiah Capa”

- Boracay

Naiintriga ka ba kung malinisna ulit ang Boracay matapos itong mapaisara kamakailan lang? Ito ang tamang oras para alamin ito! Dayuhin na natin ang magandang White Sand at malinaw na tubig ng Boracay!
Ang Boracay ang pinakadinarayong dagat sa pilipinas dahil na rin sa magandang tubig nito at pinong pino na puting buhangin nito.
Kapag bumisita sa ka Boracay mararamdaman mo ang ganda ng dagat, buhangin, lupa at araw isama mo na rin ang mga nakakaginhawanghatid ng mga Bars na buhay na buhay tuwing Gabi! Party Party na to’!
Pagdating sa pagkain, souvenirs, at local vendors hinding-hindi ka bibiguin ng Boracay. Simula sa mga seafoods hanggang local delicacies mapapa ooh la la~ ka na lang sa sobrang sarap ng mga ito.
Sa halagang 5,000 pesos na baon papuntang Boracay marami ka ng masusubukang Water Activities at mga magagandang souvenirs dito.
Sa pagpunta mong Boracay asahan mo na ang kalahati ng populasyon ng Boracay ay mga Koreano at mamangha sa mga local vendors na may galing sa pagsasalita ng ibang lenggwahe.
“I’ve been to Boracay last February 23 to 25 , 2019 at kulang na kulang ang 3 araw dito. Buhay na buhay tuwing gabi ang mga tao at ang tubig malamig pero nakakamangha naman ang malinaw na tubig nito at mga isdang lumalangoy sa paahan ko – Anne Magundayao”

Ano? Nakapag-isip ka na ba kung saan ka gagala ngayong tag-araw? Kaya yayain na ang iyong mga kaibigan o pamilya at simulan na ang kasiyahan ngayong Summer 2019!